National Lugaw Day, ikinasa ng mga taga-suporta ni VP Leni Robredo kasabay ng kanyang ika-56 na kaarawan

Ikinasa ngayong araw ng mga supporter ni Vice President Leni Robredo ang National Lugaw Day Feeding Program sa Liwasang Bonifacio sa lungsod ng Maynila.

Kasabay ito ng ika-56 na kaarawan ng bise presidente ng bansa kung saan maaga pa lamang ay pinilahan na agad ito ng publiko.

Umaabot sa higit 300 na indibdwal ang nabigyan ng lugaw at ng bottled water habang napag-alaman na nasa 69 na grupo ng supporters ni VP Leni ang nagsagawa ng aktibidad bilang regalo sa kaniyang kaarawan.


Bukod dito sa Maynila, ikinakasa o isinagawa rin ang naturang feeding program sa iba’t ibang barangay sa lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas, Mandaluyong, Makati at Quezon City.

Para masigurong ligtas ang lahat sa COVID-19, mahigpit na ipinatupad ng mga supporters ni VP Leni ang minimum health protocols sa isinagawa nilang feeding program ngayong araw.

Facebook Comments