Nagpapatupad ng striktong regulasyon ang National Meat Inspection Service (NMIS) sa mga poultry products sa Ilocos Region kaugnay sa pagkalat ng avian influenza.
Ito ay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng surpresang inspeksyon sa mga public market, sumusunod naman anila ang mga tindero sa kanilang mga alituntunin at nakapagpresinta naman ang mga ito ng inspection certificate.
Isinagawa ito upang tiyaking nanggagaling sa mga bansang aprubado ng World Organization for Animal Health ang mga ini-import na karne.
Bagaman hindi umano ganoon karami ang mga imported na produkto, diin ng NMIS na kung hindi susunod sa kanilang itinakdang regulasyon ang mga nagtitinda ay mapipilitan ang mga itong kumpiskahin ang kanilang produkto.
Dagdag pa dito na base sa kanilang naging monitoring ay wala naman silang naitalang baboy o manok na nagpapakita ng sintomas ng avian influenza.
Kaugnay nito ay naghihigpit na rin ang lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan sa pagbabantay ng upang walang makalusot na karneng apektado ng naturang virus.