National media forum, isasagawa ng CHR ngayong araw

Makikipagpulong ngayong araw ang Commission on Human Rights (CHR) sa iba’ t ibang grupo ng mamamahayag, sa Luxent Hotel sa Quezon City.

Ito ay upang talakayin ang mga prayoridad at hakbang ng Commission en banc VI hinggil sa mga kasalukuyang isyu sa karapatang pantao ng mga media worker.

Target din ng komisyon na talakayin sa National Media Forum ang human rights-based approach sa pagbabalita.


Ayon sa CHR, kinikilala ng komisyon ang halaga ng media na itaguyod ang demokrasya at ang tungkulin nito na matiyak ang malayang pagdaloy ng impormasyon sa lipunan, na nagbibigay ng kapangyarihan sa publiko na gumawa ng mga tamang desisyon, at panagutin ang mga lumalabag sa karapatang pantao.

Dagdag pa ng komisyon, nakatuon sila sa pagprotekta sa karapatan ng mga mamahayag bilang independent institution.

Kamakailan lamang ay nakipagdayalogo rin ang CHR sa ilang mga kawani ng media na kadalasang nahaharap sa mga hamon sa kanilang trabaho, tulad ng death threats, o banta, pananakot at karahasan.

Facebook Comments