Manila, Philippines – Ipinanawagan ng Makabayan Bloc ang isinusulong na national minimum wage para sa lahat ng pampubliko at pribadong sektor.
Isinusulong nila Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, ACT Teachers Reps. Antonio Tinio at France Castro ang pag-apruba sa P16, 000 na minimum na pasahod sa mga kawani ng gobyerno.
Kabilang din sa inia-apela ng grupo ay gawing P750 ang arawang sahod ng mga nasa private sector mula sa kasalukuyang P512 pesos.
Hiniling din na ipatupad na ang P29,668 na umento sa sahod sa mga public school teachers, P30,261 sa Instructor 1 sa pampublikong kolehiyo at P30,000 sa mga nurses sa bansa.
Ang panawagan ay bunsod na rin ng ipinatupad na TRAIN law na magiging daan para sa pagtaas ng mga bilihin at serbisyo sa bansa.
Facebook Comments