National minimum wage para sa mga kasambahay, itinutulak ng DOLE

Isinusulong ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagkakaroon ng national minimum wage rate para sa mga domestic workers.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ipinapanukala niya ang ₱6,000 national minimum wage para sa domestic workers dahil ‘reasonable amount’ na ito.

Dagdag pa ni Bello, kung hindi kaya ng employer ang ganitong halaga ng sahod ay huwag na silang kumuha pa ng kasambahay.


Mas nais ng kalihim na magkaroon ng uniform floor wage rate para sa lahat ng domestic workers sa halop na kasalukuyang regional setting.

Sa nasabing halaga, makatutulong ito sa mga domestic workers na maipasok ang kanilang mga anak sa eskwelahan.

Ang minimum wage para sa mga kasambahay ay depende sa rate na itinakda ng Regional Tripartite and Productivity Boards (RTPWBs) sa ilaim ng Kasambahay Law.

Sa kasalukuyan, ang National Capital Region ang may pinakamataas na minimum wage rate na nasa ₱5,000.

Facebook Comments