Iminungkahi ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua na gawing simple ang istraktura ng national minimum wage sa bansa.
Ayon kay Chua, magagawa ito kung pagsasamahin na lang sa anim na cluster ang 17 wage boards sa buong bansa na magkakapareho ang minimum wage levels.
Layunin ng suhestyon ni Chua na mas maging madali ang pamamahala, pag-regulate at pagpapatupad ng wage increases.
Dagdag pa ni Chua, daan din ito para mapaliit ang agwat ng halaga ng sweldo at kahirapan sa pagitan ng mga malalaki o mayamang rehiyon at mahihirap na rehiyon.
Kaugnay nito ay umaasa rin si Chua na sa hinaharap ay wala nang minimum wage na mas mababa sa poverty threshold lalo’t marami ng progreso ang nangyari sa ekonomiya ng iba’t ibang rehiyon.
Facebook Comments