National Nutrition Council, nagpaalala sa publiko na magpigil sa pagkain ng sobra ngayong kaliwa’t kanan ang handaan para iwas sakit

Kailangang pairalin ang self-control o pagpipigil sa sarili sa pagkain ng sobra ngayong panahon ng Pasko.

Sa bagong Pilipinas ngayon, sinabi ni Pamela Diane Yanga ng National Nutrition Council (NNC) na sa kabila ng kaliwa’t kanang mga pagkain mula sa iba’t ibang pagtitipon, dapat aniyang maging mapili o mapagtimpi sa pagkuha nito sa plato.

Ito ay para makaiwas sa konsumo sa mataas na taba o cholesterol, asukal, at sodium ang katawan.


Kadalasang sanhi kasi aniya ang mga ito ng pagkakasakit sa ganitong panahon tulad ng cardiovascular diseases o sakit sa puso, heart attack, diabetes, sobrang bigat o obesity, cancer at chronic respiratory diseases.

Ayon kay Yanga, dapat kalahati ng plato ay prutas at gulay o green foods at ang kalahati ay kanin at ulam, para sa mas malusog na diet at lifestyle.

Paalala pa ni yanga na kailangang kumuha lamang ng pagkain na kaya lang ubusin.

Facebook Comments