NATIONAL PARENTS TEACHER ASSOCIATION, UMAASANG MAGIGING EPEKTIBO ANG ‘CATCH UP FRIDAY’ IMPLEMENTATION NG DEPED

Bagamat inihayag ni National Parents Teacher Association Executive Vice President Lito Senieto na baka isa nanaman sa trial and error ng Department of Education ang pag-iimplementa ng programang Catch up Friday para sa elementary, secondary schools, at mga community learning centers ay umaasa pa rin ito na magkakaroon ng effectivity ang naturang programa.
Sa panayam ng IFM Dagupan kay NPTA Executive President Lito Senieto, sinabi nito na noon pa man ay Monday to Friday ay diretso ang klase ng mga bata at umabot sa isang oras ang bawat subjects na ina-attain ng mga ito sa pag-aaral.
Sinabi rin nito na maaaring isa sa dahilan kung bakit nahihirapan sa reading comprehension sa subject na English ang mga batang mag-aaral ay dahil sa pagpalit ng lenggwahe ng mga textbook at gawing Filipino language at maging pag-promote rin noon sa mother tongue language na ginagamit sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa.

Suhestiyon ni Senieto na matutukan ang mga batang mag-aaral depende sa scheduling ng mga gurong nagbabantay at nagtuturo lalo na at na-momonitor naman araw-araw ng mga ito ang mga mahihinang mag-aaral lalo sa English language. |ifmnews
Facebook Comments