NATIONAL PARENTS TEACHERS’ ASSOCIATION, HINDI PABOR SA PAGBABALIK NG DATING ISKEDYUL NG BAKASYON

Kung ang national Parents Teachers Association ang tatanungin, hindi sila pabor sa hiling ng ilan na ibalik na sa dati ang iskedyul ng bakasyon ng mga estudyante.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan Kay NPTA Executive Vice President Lito Senieto, madami pang proseso ang pagdadaanan bago maibalik sa dati ang bakasyon.
Mawawalan din aniya ng ilang linggo o buwan na oras ang school hours kung saan mula June ay aatras ng dalawang buwan ang pasukan.

Isa din aniya sa magiging problema dito kung sakali ay ang adjustments ulit ng mga estudyante na kinakailangan muna ng distance learning.
Matatandaan na ilang grupo na ang nagsusulong na magbalik na sa dating iskedyul ng bakasyon ang mga estudyante dahil sa matinding init ng panahon.
Pero maging ang Department of Education ay nauna na ding nagpahayag na mananatili muna sa kasalukuyang iskedyul ang pasukan ng mga estudyante. |ifmnews
Facebook Comments