National Peace and Order Council, isasagawa ngayong araw sa Kampo Krame

Pangungunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rommel Marbil, mga PNP-Police Regional Director at opisyal ng Department of the Interior and Local Government o DILG ang National Peace and Order Council meeting sa Camp Crame.

Ayon kay PNP PIO Chief Police BGen. Jean Fajardo, inaasahang tatalakayin sa pulong ang usaping pangseguridad ng bansa.

Maliban dito, pag-uusapan din ang crime situation at ang paghahanda para sa nalalapit na 2025 midterm elections.


Inaasahan din ang iba pang marching orders ni PNP Chief Marbil sa kanyang mga Police Regional Directors lalo na ngayong nalalapit na ang panahon ng Kapaskuhan.

Facebook Comments