National Police Commission, nilinaw na hindi tinanggal sa pagkapulis si Supt. Marvin

Manila, Philippines – Nilinaw ng National Police Commission (NAPOLCOM) na hindi tinanggal sa pagkapulis si Supt. Marvin Marcos.

Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairman Rogelio Casurao – walang ipinataw na suspension order kay Marcos kaya walang nalabag sa pagbabalik niya sa serbisyo.

Inanunsyo naman ni PNP Chief Ronald Dela Rosa, balik serbisyo na si Supt. Marcos at 18 pulis na kasamahan nito.


Si Marcos na dating hepe ng CIDG region 8 ay itinalaga na ngayong bagong hepe ng CIDG region 12 o SOCCSKSARGEN.

Matatandaang kinasuhan sila ng homicide dahil sa pagpatay kay dating Albuera Mayor Rolando Espinosa.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments