National Printing Office, nagsimula na mag-imprenta ng official ballots para sa Barangay at SK elections

Manila, Philippines – Sinimulan na ng National Printing Office ang pag-imprinta ng mga official ballots ng Commission on Election para sa Sangguniang Kabataan at Barangay Elections ngayong taon.

Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, na personal na bumisita sa National Printing Office, ang pag-imprenta ng mga balota ay bilang paghahanda lamang kung sakaling hindi agad maresolba ng Kongreso at Senado ang postponement ng SK at Barangay Election ngayong Oktubre.

Kada-araw gagastos ng 2 milyong piso ang COMELEC sa pag -mprenta ng official ballots pero kalahati lamang ng kabuuang volume ng balota ang kanilang iimprenta.


Una na ring ipinangako ng mga mamababatas na mamadaliin ng mga ito ang deliberasyon sa nasabing usapin upang opisyal na ipagpaliban ang eleksyon ngayong taon.

Facebook Comments