Nilinaw ng National Privacy Commission na hindi naaangkop sa Republic Act 10173 o Data Privacy Act of 2012 ang mga high-profile inmates na nasawi sa COVID-19.
Sa interview ng RMN Manila kay National Privacy Commission Commissioner Raymund Liboro, binigyan diin nito na hindi maaaring isangkalan ang Data Privacy Law para maitago ang mga impormasyon kaugnay sa tunay na pagkamatay ng isang high-profile inmates.
Ayon kay Liboro, karapatan ng pamilya ng mga nasawi, pamilya ng biktima ng mga heinous crimes at ng publiko na malaman kung sino at ano ang dahilan sa pagkamatay ng mga high-profile inmates, batay na rin sa ilalim ng batas.
Una nang iginiit ng Bureau of Corrections (BuCor) na dahil sa Data Privacy Law kaya hindi nila pinangalanan ang mga inmates na nasawi dahil sa COVID-19.