Magsasagawa na rin ang National Privacy Commission (NPC) ng hiwalay na imbestigasyon kaugnay sa nangyaring mga unauthorized na transaksyon sa Gcash.
Ito ay bagamat itinanggi ng Gcash na nagkaroon ng data leakage o personal data breach sa pagkawala ng pera sa ilang accounts sa Gcash.
Ayon sa Komisyon, ang kanilang independent investigation ay alinsunod sa mandato sa ilalim ng Data Privacy Act of 2012 (DPA).
Layon din anila nito na matiyak ang transparency at ang proteksyon ng GCash users lalo na ang kanilang personal information.
Una nang nag-anunsyo ng hiwalay na imbestigasyon ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa naging aberya sa Gcash.
Facebook Comments