National Privacy Commission, umalma sa profiling at red-tagging sa organizers ng community pantry

Kinondena ng National Privacy Commission (NPC) ang anila’y hindi makatarungang profiling at red-tagging na ginagawa sa organizers ng mga community pantry sa bansa.

Ayon kay Privacy Commissioner Raymund Liboro, maitururing itong diskrimasyon at stereotyping.

Ipinarating din ng NPC ang pahayag ni Lt. Gen. Antonio Perlade Jr., kung saan inihalintulad nito kay Satanas ang galaw ni community pantry organizer Ana Patricia Non.


Iginiit din ng NPC na ang profiling na ginagawa sa mga organizers ng community pantry ang sumisira sa diwa ng bayanihan lalo ngayong may pandemya.

Facebook Comments