Manila, Philippines – Nanawagan ngayon si Manila Health Department Chief
Dr. Benjamin Yson sa lahat ng mga may alagang hayop na pabakunahan ng anti-
rabies upang hindi ito makapaminsala sa mga residente sa Manila.
Ayon kay Dr. Yson tuwing sumasapit ang buwan ng Marso ipinagdiriwang ang
National Rabies Prevention Month kaya at umiikot ang kanilang grupo sa mga
barangay upang magbigay ng libreng bakuna sa mga hayop tulad ng pusa at aso.
Dagdag ni Yson na pagnakagat ng aso o pusa obserbahan ng 15 araw ang alaga
para sa sintomas ng impeksyon ng rabies.
Agad ding magpasuri sa mga inilaaang health center o sa mga pampublikong
pagamutan upang matiyak na ligtas sa sakit na rabies lalo at panahon ngayon
ng tag-init.
Facebook Comments