National reserve ng mga medical supplies, hiniling ng isang kongresista

Nanawagan si Deputy Speaker at Surigao del Sur Representative Johnny Pimentel na lumikha ng “strategic national reserve” na pagiipunan ng mga critical medical supplies sa bansa.

Ito ay para matiyak na may reserba ang gobyerno ng mga kinakailangang medical supplies, pharmaceutical devices at equipment sa oras na makaranas muli ng outbreak ang bansa tulad ng COVID-19.

Tinukoy ni Pimentel na nagkukumahog ang mga pagamutan para makakuha ng supplies ng personal protective equipment (PPE), N95 respirators, aerosol boxes at contraptions para maisalba ang buhay ng mga pasyenteng may coronavirus.


Dahil dito, mahalaga, aniya, na makapagtatag ang gobyerno ng national reserve ng mga medical supplies bilang bahagi ng paghahanda at pagtugon sa mga bago at large-scale disease outbreaks sa hinaharap.

Ipinasasama din sa itatatag na strategic reserve ang pagkakaroon ng mga materyales na kakailanganin naman sa pagtatayo ng mga temporary medical stations.

Inirekomenda naman ni Pimentel na i-pattern o isunod sa Strategic National Stockpile (SNS) ng U.S. Department of Health and Human Services ang itatatag na strategic national reserve ng mga medical supplies sa bansa.

Facebook Comments