National Rice Awareness Month, Ipinagdiwang ng Ideal City of the North!

*Cauayan City, Isabela- *Ipinagdiwang kahapon ng Lungsod ng Cauayan ang National Rice Awareness Month sa pangunguna ng Phil. Rice, Dept. of Agriculture at Agriculture Training Institute na isinagawa sa SM City Cauayan.

Ang nasabing aktibidad ay mayroong temang “Riceponsableng Isabelino” na layong pataasin ang kaalaman ng mga mamamayan sa pagiging responsable sa pagkonsumo ng kanin maging sa pagtatanim ng palay.

Ito ay isa ring programa na ipinagdiriwang tuwing buwan ng Nobyembre mula ng maideklara ito noong 2013.


Bilang bahagi ng pagdiriwang ay nagsagawa ng aktibidad o pagtuturo ang mga naturang tanggapan kasama ang mga magsasaka, mga mag-aaral, iba pang mga opisyal at iba pang mga kalahok.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay ginoong Andres Dela Cruz, ang Research and Development Coordinator ng Philrice Isabela ay sinabi nito na ikalimang taon na itong pagsasagawa ng programa sa pagtuturo sa mga Isabelinos na maging responsable sa pagkain ng kanin at pagtatanim gamit ang mga makabagong teknolohiya..

Namahagi naman ang mga pangunahing bisita ng nasa 250 kilong brownrice sa mga dumalo.

Ayon pa kay ginoong Dela Cruz, tinatayang nasa 4.5 tons palang umano ngayon ang average ng rice production sa rehiyon kaya’t target nilang maabot ang 5 tonelada hanggang sa maparami ang produksyon ng bigas.

Panawagan naman ni ginoong Andress na huwag sayangin ang kanin at gumamit din aniya ng wasto at tamang pamamaraan ng pagtatanim upang makatulong sa pagtaas ng rice sufficiency dito sa rehiyon dos.

Facebook Comments