National roads sa Davao Oriental, passable sa harap ng nagpapatuloy na aftershocks sa lalawigan —DPWH

Nilinaw ng Department of Public Workas and Highways (DPWH) na passable ang lahat ng national roads sa Davao Region kasunod ng malakas na lindol sa Davao Oriental.

Ayon sa DPWH,ang mga nasira lamang na mga kalsada ay pawang local roads dahil sa nangyaring landslides kasunod ng lindol.

Ipapaubaya naman ng DPWH ang ilang quick response assets nito sa provincial government para mapabilis ang clearing operations.

Layon din nito na mapabilis ang pagtayo ng medical tents at evacuation sites.

Sinimulan na rin ang assessment ng iba pang public structures tulad ng mga paaralan at mga ospital sa Davao Oriental.

Facebook Comments