Madadaanan na ang lahat ng national road sa National Capital Region matapos ang pananalasa ng Bagyong Rolly at Ulysses sa bansa.
Sa interview ng RMN Manila kay Department of Public Works and Highway (DPWH) Spokesperson Anna Mae Lamentillo, umabot na sa 25 na kalsada ang madadaanan ngayon ng mga motorista matapos ang isinagawa nilang clearing operation.
Ito ay kabilang aniya sa 74 na kabuuang bilang ng kalsada na hindi madaanan matapos ang pananalasa ng nagdaang bagyo kung saan nasa 49 pa rin ang not passable.
Sa ngayon ay 24-oras na ang isinasagawang clearing operation ng DPWH upang madaanan na ang mga apektadong kalsada para sa mabilis na pagbibigay ng ayuda sa mga nasalanta ng dalawang bagyo sa bansa.
Facebook Comments