Manila, Philippines – Ilulunsad na ng Department of Education (Deped) ngayong buwan ang ‘Brigada Eskwela’ 2018.
Ito ay bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan sa Hunyo para sa school year 2018-2019.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, itinakda ang Brigada Eskwela mula may 28 hanggang June 2 na may temang: ‘Pagkakaisa para sa handa, ligtas, at matatag na paaralan tungo sa magandang kinabukasan.’
Pero ang kick-off aniya ay gagawin sa May 24 sa isang public school sa General Santos City kung saan ang Region 12 ang host ngayong taon.
Hinimok ni Briones ang lahat ng education stakeholders na makiisa at magtulungan para sa maayos na pasilidad sa mga mag-aaral.
Ang Brigada Eskwela ay kilala ring National Schools Maintenance Week.
Facebook Comments