Cauayan City, Isabela- Sinimulan na ang kaunag-unahang National Scientific Forum on Corn Production and Utilization sa City of Ilagan kasabay ng unang selebrasyon ng Mammangui Festival ng naturang lungsod.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni Dr. Jonel B. Soriano, Director of Research Extension Training ng ISU Ilagan bilang bahagi sa kasalukuyang pista ng City of Ilagan.
Ayon kay Dr. Soriano, layunin ng programang ito na tulungan ang mga magsasaka kung paano mapapataas ang produksiyon ng kanilang mais.
Tatalakayin umano rito ang mga nagiging sanhi ng problema sa pagtatanim ng mais, produksyon ng mais, corn processing, at maituro kung paano gamitin ang corn waste para sa mas mataas na presyo at kita sa mais.
Samantala, Nilinaw din Dr. Soriano, hinggil sa naudlot na pag-export sana ng lalawigan ng Isabela sa Limang Libong tonelada ng mais sa bansang Taiwan ay dahil sa hindi umano kayang i-accommodate ng Mindanao Grains ang lahat ng produksyon ng mais sa lalawigan.
Mayroon na umanong pag-uusap ang kanilang grupo sa lungsod ng Ilagan kasama ang Department Agriculture na gusto umano nilang magpatayo ng mga Planta gaya ng Mindanao Grains para sa mas malaking pakinabang ng mga magsasaka sa rehiyon dos.