National Security Adviser Hermogenes Esperon, ibinunyag na kasama si Pangulong Duterte sa ‘hit list’ ng NPA

Ibinunyag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na kasama si Pangulong Rodrigo Duterte sa tinaguriang ‘hit list’ ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Esperson, balak ng mga rebelde na ipatumba ang Pangulo na umano’y nagiging balakid sa kanilang mga plano.

Maliban sa Pangulo, target din ng NPA na ipaligpit si DILG Sec. Eduardo Año.


Pero tiniyak ni Esperon na nakahanda ang gobyerno sa anumang banta sa mga matataas na opisyal.

Facebook Comments