Manila, Philippines – Nilinaw ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na walang natatanggap na anumang banta ang bansa kaugnay ng pag-angkin sa Benham rise.
Ito’y kasunod ng pahayag ng Chinese Foreign Ministry na kinikilala nila ang sovereign rights ng Pilipinas sa Benham rise.
Ayon kay Esperon – pwede namang mangisda sa nasabing lugar ang mga dayuhan basta’t may pahintulot mula sa Pilipinas.
Maari naman aniyang dumaan sa Benham rise ang mga dayuhang barko dahil sa freedom of navigation at innocent passage pero hindi maaring mag-exploit ang natural resources nito.
Ipinabatid pa ni Esperon na sa DFA puwedeng humingi ng permiso para makapagsagawa ng scientific research sa 200 mile economic zone ng Benham rise.
Ang Benham rise ay bahagi ng continental shelf ng Pilipinas na ideneklara ng United Nations noong 2012.
Facebook Comments