Isinaisantabi ng Administrasyon ang usapin sa constitutional succession sa gitna ng pinag-uusapan ngayon hinggil sa kondisyong pangkalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon, wala siyang nakikitang dahilan para ito’y pag-usapan gayung maayos naman ang lagay ng Presidente na nakaranas ng matinding kirot sa likuran dahil lamang sa muscle spasm bunsod ng aksidente sa motor nuong isang lingo.
Sinabi ni Esperon na maging siya ay nakararanas din ng muscle spasm at bukod sa pag-inom ng kailangang gamot ay pahinga lang din ang katapat nito na ginagawa ngayon ng Presidente.
“Unimaginable” kung ilalarawan ni Esperon ang Pangulo gayung sa edad nito ay nakapagtataka din kung paano nito tinatanggap ang napakaraming trabaho.