Sinuspinde ng Korte Suprema sa pagiging abogado ang dating Comelec Election Supervisor na nasa likod ng kontrobersiyal na “Hello Garci” conversation noong 2004 Presidential elections.
Isang taong suspensyon ang i-pinataw ng Korte Suprema kay Atty. Lintang Bedol.
Nag-ugat ang suspensyon ni Bedol sa disbarment case na i-sinampa sa Korte Suprema ng isang Mike Fermin na kumandidatong alkalde ng Kabuntalan, Maguindanao.
Kaugnay ito ng pagla-labas ni Bedol bilang Election supervisor ng notice para sa pag-sasagawa ng special election sa Barangay. Guiawa, Kabuntalan, Maguindnao bago pa ang pagi-isyu ng Comelec En Banc ng resolusyon
Pinagtibay ng SC ang resolusyon ng Integrated Bar of the Philippines o IBP Board of Governors na may petsang April 16, 2010.
Ayon sa Korte Suprema, guilty si Bedol sa paglabag sa Canon 1 ng Code of Professional Responsibility.
Si Bedol kasama sina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Jr. ay una nang kinasuhan ng electoral sabotage dahil sa pag-manipula raw ng 12-0 victory pabor sa senatoriables ng Arroyo administration noong 2007 elections.