Pinako-convene ng Kamara ang National Security Council para bumuo ng National Policy na magiging solusyon ng sigalot sa West Philippine Sea.
Naniniwala si Muntinlupa City Representative Ruffy Biazon na ngayon na ang tamang panahon para mag-convene ang NSC para mapakinabangan na ang expertise at karanasan ng mga miyembro nito.
Sa naturang resolusyon ay pinuna ni Biazon na sa kabila ng naging ruling permanent court of arbitration pabor sa Pilipinas ay patuloy ang paglalagay ng anti-ship cruise missiles at surface-to-air missile systems ng China sa Kagitingan, Zamora at Panganiban reefs.
Paliwanag pa ng kongresista, bagama’t ginagawa naman ng administrasyon ang lahat sa mapayapang paraan tulad ng state visits, high-level talks at pagpapalakas ng relasyon sa China ay madalas namang paiba-iba ang statements na inilalabas ng mga opisyal ng gobyerno.
Dahil dito, mainam aniya na magkaroon ng official policy ang Pilipinas na magsisilbing gabay sa lahat ng mga opisyal para maging malinaw at mapaigting ang posisyon ng bansa sa international community.