National Security Council meeting, ipinatawag ng Japan at US kasunod ng nuclear test ng North Korea

World – Nagpatawag ng kani-kanilang National Security Council meeting ang Japan at Estados Unidos.

Ito’y matapos ang inilunsad na ika-anim na nuclear test ng North Korea kung saan ang device na ginamit ay isang hydrogen bomb o h-bomb.

Batay sa United States Geological Survey, nagdulot ng magnitude 6.5 na paggalaw ng lupa ang pagpapakalawa ng nuclear test ng pyongyang na naramdaman hanggang China.


Kung pagbabatayan anila ang mga inisyal na datos, ito na ang pinakamalakas na bomba na sinubukan ng North Korea.

Facebook Comments