National Security Council, pinapa-convene ni Sen. Gordon sa harap ng girian ngayon ng US at Iran

Manila, Philippines – Iminumungkahi ni Senador Richard Gordon kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpatawag na ng pulong ng National Security Council sa harap ng girian ngayon ng US at Iran.

Sa Pandesal Forum sa Quezon City, ngayon pa lamang ay dapat makapagbalangkas na ang National Security Council ng parameters kung paano gagastusin ang pondo para sa pagpapauwi ng mga Pilipinong manggagawa Middle East.

Aniya, marapat lamang na kung hihingi ng pondo ang gobyerno sa repatriation ay mayroon nang komprehensibong plano kung paano ito gagamitin.


Maliban dito, nangangailangan ito ng kontribusyon ng military.

Dapat ay matantiya na ang kapasidad sa paglilikas partikular ang dami ng C-130s na ipadadala at ang bilang ng mga OFWs na layunin.

Sa kasalukuyan ay may limang C-130 ang AFP subalit tatlo lang sa mga ito ang umaandar habang under maintenance ang dalawa pa.

Hindi umano sapat ang mga ito para gamitin sa repatriation ng ating mga kababayan.

Facebook Comments