Tiwala ang National Security Council (NSC) sa kakayahan at galing ni Gilbert Teodoro na itinalaga bilang bagong kalihim ng Department of National Defense (DND).
Ayon kay National Security Adviser Sec. Eduardo Año, hindi matatawaran ang malawak na karanasan ni Teodoro at ang mga naiambag nito sa kampanya ng pamahalaan kontra terorismo gayundin ang pagtataguyod ng karapatan at soberanya ng Pilipinas sa harap ng tensyon sa West Philippine Sea (WPS).
Kasunod nito, kumpyansa si Año na magiging maganda ang ugnayan ng NSC at DND sa pagharap sa mga hamon sa pambansang seguridad.
Nabatid na si Sec. Teodoro ay dati nang nagsilbing kalihim ng DND mula 2007 hanggang 2009 sa administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Facebook Comments