Manila, Philippines – Malaki ang magiging epekto sa bansang bantang mass leave ng mga tauhan ng Bureauof Immigration.
Kasunod ito pagpapahinto ni Pangulong Rodrigo Duterte nabayaran ang overtime (OT) pay ng mga immigration personnel na nakatalaga sa mgapaliparan sa buong bansa.
Ayon kay Department of Budget and Management Sec. BenjaminDiokno – lumalabas na 250 percent mula sa buwanang basic pay ng isangimmigration officer ang naipa-file o nagagamit na overtime na siya namangipinagbabawal sa batas.
Kaugnay nito, sinabi ni Justice Secretary VitalianoAguirre, na posibleng malagay sa alanganin ang national security dahil sakakulangan ng mga immigration personnel na sasala at magpoproseso sa mgapumapasok sa bansa.
Posible rin itong magdulot ng pagkadismaya sa mgaturistang gustong magbakasyon sa Pilipinas, dahil sa abalang maidudulot nito.
Sabi ni Aguire nasa 32 tauhan na ng immigration angnagbitiw habang nasa limampu (50) ang naghain ng anim na buwang leave ofabsence sa trabaho.
Sa record ng immigration, umaabot na sa 3,000 personnelng BI ang nagka-leave simula pa noong Pebrero.
Dahil dito, magde-deploy na ng augmentation team sapaliparan para matugunan ang nasabing kakulangan.
Sa ngayon, nangangailangan ang BI ng mahigit sa dalawanglibong (2,000) immigration officers.