Manila, Philippines – Sinusulong ngayon ni Senator Panfilo Lacson ang pag-upgrade sa mga kakayahan ng gobyerno laban sa terrorismo, insurhensya at sa iba pang banta sa National Security.
Sa Senate Bill 1734 ni Lacson, nais nitong palakasin ang Defense Department sa pamamagitan ng pag-implementa ng mas katiwa-tiwalang defense system na kayang tugunan ang mga banta sa loob at labas ng bansa.
Gusto itong gawin ni Lacson sa pamamagitan ng pag-amyenda ng ilang batas na may kinalaman sa National Defense.
Kabilang sa ipinanukala ni Lacson ay ang pagbabawal sa pagbenta ng mga Strategic Defense Real Properties.
Pwede lang aniyang ibenta ang Strategic Defense Real Properties kung ito ay irerekomenda ng Department of National Defense at kung aaprubahan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte na may consent galing sa kongreso.
Pagkatapos nito ay maaari lamang ibigay ang kikitain ng gobyerno sa AFP Modernization Act Trust Fund.