NATIONAL SECURITY | U.S.-Russia Summit, gagawin sa Finland

Pormal na maghaharap sina U.S. President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin para sa kanilang nakatakdang pulong sa July 16 sa Helsinki, Finland.

Gagawin ang summit pagkatapos ng apat na araw na North Atlantic Treaty Organization (NATO) meeting sa Brussels, Belgium.

Inaasahang pag-uusapan ng dalawang lider ang pagpapalakas ng relasyon ng US at Russia lalo na ang usapin sa national security.


Facebook Comments