National Shari’ah Summit, pangungunahan ng Korte Suprema

Pangungunahan ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang kauna-unahang National Shari’ah Summit sa Marso 5 hanggang 6.

Ang summit na may temang Forging the Role of Shari’ah in the National Legal Framework ay gaganapin sa Cagayan de Oro City.

Ayon sa Supreme Court, 300 ang mga lalahok sa summit kabilang na ang mga justice, hukom, piskal at abogado sa lahat ng sangay ng pamahalaan.


Gayundin, ang Shari’ah counselors, Shari’ah judges, mga miyembro ng academe, mga kinatawan ng non-governmental organization, at foreign delegates mula sa mga bansa na ipinapatupad ang Shari’ah laws.

Layon ng Summit na maging venue para sa knowledge-sharing ng mga ideya at ng best practices, at maibahagi sa participants ang basic principles ng Shari’ah justice system.

Ilan sa speakers si Chief Justice Alexander. Gesmundo at SC Justices Japar Dimaampao at Marvic Leonen.

Facebook Comments