National Simultaneous Earthquake Drill, Isasagawa Ngayong Araw

26

MANILA – Nanawagan ang Office of the Civil Defense sa publiko na lumahok sa isasagawang nationwide simultaneous earthquake drill ngayong araw.Umaasa naman si OCD Spokesperson Romina Marasigan na marami ang makikiisa sa drill lalo pa’t sunod-sunod ang lindol na naranasan sa Japan at Ecuador.Layunin umano ng drill na masanay ang kakayahan ng mga ahensya sa pagtugon sa mga kalamidad tulad na lamang ng lindol.Makakatulong din umano ito para mapaghandaan ang magiging reaksyon ng publiko sakaling tumama ang “the big one”.Hinikayat din ng OCD sa mga netizens na gamitin ang social media sa pamamagitan ng #PagyanigChallenge para ipakita ang pagtanggap sa hamon ng earthquake drill.Pormal na sisimulan ang nationwide drill sa bahagi ng Air Force City sa Clark Pampanga.

Facebook Comments