National Simultaneous Earthquake Drill, matagumpay na naisagawa – OCD

Pinasalamatan ng Office of the Civil Defense (OCD) ang mga nakiisa sa third quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na ginanap ngayong Huwebes, Setyembre a-otso.

Kabilang sa mga nagawang aktibidad ang community evacuation, fire suppression, activation of incident command post, response to mass casualty incident, search and rescue, at high angle rescue.

Ayon kay OCD Administrator Undersecretary Raymundo Ferrer, ipagpapatuloy ng kanilang pamunuan ang naturang aktibidad upang mapaigting ang kahandaan ng publiko sa sakuna gaya ng lindol at iba pang kalamidad.


Kaugnay nito, inaanyayahang muli ng OCD ang publiko na makiisa sa fourth quarter NSED sa darating na ika-labing-isa ng Nobyembre ngayong taon.

Facebook Comments