National State of Emergency dahil sa problema sa African Swine Fever, inirekomenda ng DA sa Malakanyang

Pormal nang hinihingi ng Department of Agriculture kay Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng National State of Emergency dahil sa problema sa African Swine Fever sa hog industry.

Sa kanyang rekomendasyon, sinabi ni Department of Agriculture Secretary William Dar, ang pagdedeklara ng State of Emergency ay para mabilis na matugunan ang problema sa kakapusan ng suplay ng baboy at manok.

Sa ilalim ng rekomendasyon ng ahensya, binibigyan ang estado ng pagkakataon na magamit nito ang ibang mga resources ng gobyerno upang mapabilis ang proseso ng pagbibigay ayuda sa mga hog raisers na lubhang apektado.


Posibleng mapasama rin ang karagdagang pag-aangkat ng meat products sa ibang bansa para matugunan ang kakapusan ng suplay dulot ng pandemya.

Dahil dito, ipinaubaya na ng DA sa Malakanyang kung ano pang mga hakbang at panuntunan ang gagawin upang maibsan ang kakapusan ng suplay ng baboy.

Facebook Comments