National task force against COVID-19, sinisilip ang Bohol bilang modelo ng ‘new normal’

Ikinukonsidera ng pamahalaan ang Bohol sa Central Visayas bilang “model province” sa ilalim ng “new normal” dahil sa epektibong pagpapatupad ng health protocols.

Ang Bohol ay nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) na mayroong “low-risk” ng COVID-19 infection.

Ayon kay National Policy against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr., mayroong “highly-effective pandemic response” ang island-province.


Nakatuon ang pamahalaan na muling buhayin ang turismo sa Bohol habang hindi napapabayaan ang health at safety ng publiko.

Sinabi naman ni Deputy Chief Implementer Vince Dizon, plano ng pamahalaan na magtayo ng COVID-19 testing laboratory sa Bohol-Panglao International Airport para mapalakas ang testing capacity ng probinsya.

Nakatakdang magsagawa ng dry run mula Hunyo hanggang Hulyo kung saan 25% ng tourism industry ang inisyal na bubuksan at dahan-dahan itong itataas hanggang sa maabot ang 100%.

Samantala, nagpasalamat si Bohol Governor Arthur Yap sa national government para sa tiwala sa lalawigan, at sa pagbibigay ng kinakailangang medical supplies at equipment.

Facebook Comments