Hindi pa irerekomenda ng National Task Force against COVID-19 ang pagbawi ng anumang community quarantine sa alinmang bahagi ng bansa.
Ayon kay Chief Implementer Carlito Galvez Jr., importanteng dahan-dahan at paunti-unti ang lifting ng quarantine classifications.
Sinabi ni Galvez na hanggang Modified General Community Quarantine (MGCQ) muna ang threshold bago sabay-sabay na ibaba ang lahat ng lugar sa buong bansa patungong new normal.
Matatandaang nitong May 12, 2020, binawi ng pamahalaan ang quarantine protocols sa 41 probinsya at 11 siyudad na ikinokonsiderang low risk ng COVID-19, pero agad din itong binawi.
Ang Cebu City ay itinaas sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) habang ang Talisay City ay iniakyat sa Modified ECQ habang ang natitirang bahagi ng bansa ay nasa GCQ o MGCQ.