Mariing kinokondena ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) ang panibagong insidente nang pangha-harass ng China sa mga barko ng Pilipinas sa WPS.
Ayon sa task force, nangyari ang insidente kanina nang maghatid ng supply ang mga barko ng Pilipinas sa tropa ng pamahalaan na nakaposte sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Sinabi pa ng task force, na nagkaroon ng harassment at dangerous maneuvers ang mga barko ng China at ilang Chinese maritime militia laban sa ating mga barko na nagsagawa ng routine and regular operations sa ating Exclusive Economic Zone.
Giit pa ng National Task Force for the West Philippine Sea, ang lantarang pagbabalewala ng China sa 2016 Arbitral Award ay tahasang paglabag sa international law, partikular ang United Nations Convention on the Law of the Sea.