Itinaas ng Department of Budget and Management (DBM) ang national tax allotment (NTA) ng mga lokal na pamahalaan para sa Fiscal Year 2024 na aabot sa ₱871.3 billion.
Mataas ito ng ₱51.11 billion o katumbas ng 6.23% na pagtaas mula sa Fiscal Year 2023 NTA shares na ₱820.2 bilyon.
Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, ang pagtaas ng NTA shares ng mga lokal na pamahalaan ay resulta ng pagbuti ng revenue collections noong 2021 na aniya’y maiuugnay sa unti-unting muling pagbubukas ng ekonomiya mula sa panahon ng mga lockdown noong COVID-19 pandemic.
Pagbibigay diin ni Pangandaman na nakabatay sa 1991 Local Government Code ang 2024 National Tax Allotment at base na rin sa desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa Mandanas-Garcia case.
Ang bawat lokal na pamahalaan ay kinakailangang maglaan ng hindi bababa sa 20-porsyento ng NTA share para sa development projects, na mas kilala bilang development fund.