Manila, Philippines – Pinaghahandaan na ng Department of Education ang pagdiriwang ng National Teacher’s Day sa Oktubre 5.
Pero simula ngayon Oct. 5 hanggang Sept. 5 ipinagdiriwang na ang National Teachers Month.
Kasunod nito hinihimok ng DepEd ang mga regional offices nito na magsagawa ng mga aktibidad na magbibigay pugay sa ating mga guro.
Sa mga guro na nagturo ng magandang asal, bumasa, sumulat, at tumayo bilang pangalawa mga magulang.
Ang pinaka highlight ng pagdiriwang ang pagsasama sama ng mahigit sa 5,000 mga guro mula sa ibat-ibang lugar sa bansa at magtitipon sa Legazpi, Albay sa Oct. 5.
Ang DepEd Region 5 ang host ng nasabing national event.
Ayon kay DepEd External Affairs Director Margarita Ballesteros bilang pagpupugay sa sakripisyo at serbisyo ng mga teacher, isang programa ang isasagawa alay sa mga guro sa Albay.
Ang tema ng Teachers Day ngayong taon ay “Guro na Filipino Kaakbay sa ating Progreso”.