National Telecommunications Commission kaisa ng sambayan sa paggunita sa Undas 2019

Manila, Philippines – Bilang bahagi ng kanilang serbisyo sa mamamayang Pilipino at salig na rin sa kanilang mandato na i-regulate ang paggamit ng radyo bilang pangunahing source ng komunikasyon, ay nakikiisa ang National Telecommunications Commission (NTC) sa sambayanang Pilipino sa paggunita ng UNDAS 2019.

Dahil dito ay inatasan ng NTC ang lahat ng kanilang regional directors sa buong bansa na makipag-ugnayan sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sa Civic Action Groups (CAGs) at Amateur Radio Groups (ARGs) na magkakaloob ng ayuda sa publiko sa kani-kanilang respektibong nasasakupan at hurisdiksiyon at tumulong sa NDRRMC.

Sa Memorandum na inilabas ni NTC Commissioner Gamaliel A. Cordoba na may petsang October 28, 2019, ay hiniling din nito sa lahat ng kanilang regional directors na alamin ang anumang ayuda na maaring ipagkaloob ng komisyon, katulad ng pagbibigay ng temporary permits and licenses na kinakailangan para masiguro ang kaligtasan ng ating mga kababayan na bibiyahe sa ibat-ibang destinasyon sa bansa.


Dapat din aniya hilingin ng mga ito ang tulong ng mga himpilan ng radyo, telebisyon, at cable TV stations para sa tamang paghahatid ng napapanahong impormasyon sa publiko ngayong Undas.

Inatasan din ni Cordoba ang mga NTC Regional Director na magsumite ng report sa kanyang tanggapan nang hindi lalagpas ng Oktubre 30, 2019 sa pamamagitan ng “electronic copy” ng listahan ng mga sumusunod:

  1. Pangalaan ng Civic Action and/or Radio Amateur groups na makikibahagi sa Undas 2019 public assistance operations.
  2. Area(s) and/or route(s) to be covered
  3. Frequency(ies) na gagamitin
  4. Contact number(s) at point person(s) kung saan gagawin ang operasyon
  5. Temporary location ng radio base station(s)
  6. Duration ng operasyon

Mahalagang direktiba ni Commissioner Cordoba sa regional offices na i-monitor ang operasyon ng CAGs at ARGs sa kanilang areas of jurisdiction at magsumite ng updated report sa kanyang tanggapan.

Facebook Comments