Muling nagpaalala ang pamunuan ng National Telecommunications Commission Regional Office 1 sa publiko ukol sa nalalapit na deadline ng Sim Card Registration sa paparating na April 26, 2023.
Labing-limang araw (15) mula ngayon ang natitirang araw nalang ng registration ng sim card kung saan base sa naging panayam ng IFM Dagupan kay NTC Region 1 Legal Officer Atty. Anna Minelle Maningding, as of April 10, 2023 ay mayroon ng 65, 145, 440 na registrants o 38.77 % ang registered mula sa tinatayang 168, 000, 000 na total number of subscribers sa buong Pilipinas nationwide as of December 2022.
Ayon sa pa sa kanya, malapit na ang deadline at makikitang mayroon pa umanong humahabol sa pag-register. Sinabi din nito na upang makatulong sa sim card registration ng mga tao ay nagsasagawa ang NTC Region 1 ng kaliwa’t kanang Facilitated Sim Card Registration sa rehiyon kung saan ngayong araw April 12 hanggang April 14 magsasagawa ang kanilang ahensya ng naturang programa sa Ilocos Norte para makatulong at makapang-hikayat pa ng mga subscribers na magparehitro.
Sinabi din ng opisyal na magsasagawa rin ng Facilitated Sim Card Registration sa lalawigan ng Pangasinan sa April 19 sa bayan ng Infanta, April 20 sa Dasol at April 21 sa bayan naman ng Labrador mula alas 8-5 ng hapon kung saan kailangan lamang dalhin ang mga sumusunod para makapagparehistro, cellphone o mobile phones na may sim cards, valid government ID at kung sa mga estudyante o minors ay kailangang dalhin ang kanilang cellphone para makakuha ng OTP o One-time-pin.
Kaya’t maigting na ipinapaalala ng ahensya na magparegister na upang hindi na mahirapan o kaya naman hindi ma-deactivate ang kanilang mga gamit na sim cards dahil ayon pa sa kanya mahigpit umanong ipapatupad ng DICT ang implementasyon ng registration dahil isa na itong batas. |ifmnews
Facebook Comments