Aprubado na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., (PBBM) ang national timetable at nakatakda na rin ang pagpirma ng Joint Administrative Order o JAO ngayong buwan para maaprubahan na ang pagko-construct ng mga Farm-to-Market Road o FMR sa bansa.
Ayon kay Pangulong Marcos, lahat ng concerned agencies at departments na involve para sa planong construction ng mga FRM ay pipirma sa JAO bago matapos ang taong ito.
Ang JAO on farm-to-market roads ay bubuo ng mga guidelines para lahat ng FRM ay interconnected sa ibang mga infrastructure projects upang matiyak na mas magiging mabilis ang delivery ng serbisyo at mapaangat pa ang agricultural programs sa bansa.
Ang JAO rin ang magpapatupad ng FMRs at iba pang infrastructure connectivity sa pagitan nang Departments of Agriculture (DA), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Trade and Industry (DTI) at Tourism.
Oktubre ngayong taon ay mayroon nang kabuuang 43,223.17 kilometers proposed FRM projects.
Ito ay uukopa ng 14 million hectares of production areas para sa agriculture at fisheries.
Sa tala noong October, 2022, mayroong nang kabuuang 67,255.46 FMR ang nakumpleto na at may backlog o kailangang pang tapusin na 64,155.20 kilometers.