National tourism development plan para sa taong ito hanggang 2028, inaprubahan ni PBBM

Inapubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang national tourism development plan para ngayong taon hanggang 2028.

Ayon kay Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco ang NTDP ay resulta ng ginawang konsultasyon sa iba’t ibang tourism stakeholders sa buong bansa.

Ito ay magsisilbing blueprint at development framework para sa industriya ng turismo na gagawin sa panahon ng Marcos administration.


Nagpasalamat naman si Secretary Frasco sa pangulo dahil sa isa prayoridad nito ay ang pagpapaunlad ng turismo ng bansa.

Paliwanag pa ng kalihim ang NTDP ay may ilang layunin na nakatutok sa mahahalagang development para sa turismo.

Ang mga layuning aniyang ito ay hindi lamang promotion ng Pilipinas sa halip tututok din sa development ng infrastructure, connectivity, maging sa digitalization.

Facebook Comments