Manila, Philippines – Dismayado ang National Union of Journalists of the Philippines sa mabagal na pagresolba ng pamahalaan sa mga kaso ng media killings sa bansa.
Ayon sa NUJP nasa isandaan pitumput pitong (177) ang kaso ng media killings na kanilang naitala mula pa noong 1986.
Ayon kay NUJP Secretary General Dabet Panelo – sa mga nabanggit na kaso, labing tatlo (13) pa lang dito ang may napakulong.
Matatandaang bumuo ang administrasyong Duterte ng task force na tututok sa mga pagpatay sa mamamahayag.
Pero nito lamang nakaraang dalawang linggo ay apat na panibagong kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag ang naitala.
Facebook Comments