Walang basehan upang itigil ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay sa umano’y crimes against humanity sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang binigyang-diin ni National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) member Atty. Kristina Conti sa interview ng RMN Manila kaugnay sa hiling ng gobyerno na ihinto ang imbestigasyon ng ICC sa war on drugs ng administrasyon.
Base sa inihaing deferral request ng gobyerno sa ICC, may ginagawa nang imbestigasyon ang Department of Justice (DOJ) kaugnay 52 kaso laban sa mga pulis sa pagpapatupad ng Oplan Tokhang.
Pero, naniniwala si Conti na hindi papasa ang 52 kaso na hawak DOJ dahil 30 lamang sa mga iton ang pasok sa hinihinging coverage period ng ICC mula November 2011 hanggang March 2019.
Ayon pa kay Conti, lumalabas din na hindi drug-related ang lahat ng 52 kaso na isinumite ng PNP sa DOJ.