Nanawagan ngayon ang grupo ng human rights lawyers sa International Criminal Court na ipagpatuloy ang imbestigasyon nito sa alegasyon ng crimes against humanity sa Duterte administration.
Kasunod na rin ito ng pansamantalang pagsuspinde ng International Criminal Court-Office of the Prosecutor sa imbestigasyon sa mga krimen na may kaugnayan sa war on drugs ng pamahalaan.
Giit ng National Union of People’s Lawyers, hindi dapat magpadala ang ICC sa panlilinlang ng Duterte administration lalo na’t taliwas ang kanilang sinasabi sa tunay na nangyayari sa lipunan.
Binigyang-diin ng grupo na dapat ay ibasura ng ICC ang hiling ng pamahalaan na itigil muna ang imbestigasyon sa war on drugs.
Una nang inihayag ni dating Sen. Antonio Trillanes na ang hakbang ng ICC ay para sa due process at tiwala siya na magpapatuloy pa rin ang imbestigasyon nito.