Manila, Philippines – Inaprubahan ng Commission on Higher Education (CHED) ang mandatory drug test sa college applicants at students.
Ayon kay CHED Chairperson, Patricia Licuanan – sisimulan ito sa school year 2018-2019.
Hindi naman lahat aniya ng eskwelahan ay require na gawin ito pero madiing inuudyok ng gobyerno.
Sakaling ipatupad ng kolehiyo ay kailangan muna itong ipatupad ng school officials at isasailalim sa konsultasyon sa mga estudyante at dapat sang-ayunan ng mga magulang.
Mga pribadong medical practitioners at mga pasilidad na accredited ng Department of Health (DOH) lang ang pwedeng gamitin sa drug testing.
Kapag nagpositibo naman ang estudyante, ibabase ang aksyon sa parusa rito sa mga panuntunan ng kolehiyo.
Maaring isailalaim ang estudyante sa intervention o rehabilitasyon kung kinakailangan.
Pangamba naman ni Mark Vincent Lim, Chairperson ng National Union of Students of the Philippines (NUSP) – baka mauwi lamang ito sa Oplan Tokhang sa loob ng mga paaralan.
Hirit pa ng grupo, dagdag sa gastusin lamang ito para sa mga estudyante dahil kukunin ito sa kanilang miscellaneous fees.